FILIPINO NOVELS

FOR MATURED READERS ONLY

tM18j.gif

PARAISO SA GUBAT

BOOK ONE CHAPTER 1

Mga Gabing Walang Kayakap

Blangko ang pagkakatingin ni Gilbert sa binabasang Los Angeles Times. Hindi naman siya puyat, ginigiyagis lang siya ng isang bagay na hindi naman mahirap na makuha...ang pangungulila niya sa asawang si Evita. Magbuhat nang magpa schedule ito sa night shift ay bihira na silang magkita; magkatabi at magtalik. Doctor si Evita  sa Pasadena General Hospital at si Gilbert ay computer analyst sa isa sa mga mauunlad na negosyo ng Tranders & Taraz Television. Ang sabi ni Gilbert sa asawa..

    " Kung bakit kasi night shift pa ang napili mo, pwede namang pang araw ka 

       lang."

    " Mas comfortable  ako sa night shift, honey. Saka mainam ang alternate

       shift natin, hindi na kailangan pang ipa babysit si Marichu. Ikaw nga itong

       tutol na ipa babysit ang anak mo.

Kasi nga ayaw nilang lumaki ang anak baka na influenced ng babysitter. Sabi ni Gilbert, mostly balasubas at walang galang ang mga batang nasa pag aaruga ng babitter. Okay lang kung ang makukuha nilang mag aalaga sa anak ay mabuti ang ugali. 

    " Mahirap humanap ng mahusay na babysitter dito, Gilbest. Kung kukuha 

       naman tayo sa Pilipinas, malaking gastos at matagal ang proseso. "

                                         NOVEMBER 29, 1997

     Malamig ang simoy ng hangin, naninigid sa kalamnan ni Gilbert. Nanggagaling iyon sa nakabukas na glass window sa eastern side na kinaruruonan ng master's bedroom. Sikat na ang araw. Nilalaro ng maligamgam na silahis ang mapululang pisngi ni Evita... na mahimbing nang natutulog. Buhat sa pagkakaupo sa gilid ng king size bed, marahang tumayo si Gilbert. Muling tinapunan ng tingin ni Gilbert ang asawa sa pagkakahiga. A kay ganda ni Evita, naibulong niya sa sarili. 36 lang si Evita, manipis ang matangos na ilong na kuha sa mga ninunong Castila. Mamula mulang buhok na sayad lang sa balikat, ang maninipis na labing kahit walang kulay ay light japonica scarlet... ang makinis na puson na walang bakas ng pagiging isang ina. muling hinagod ng tingin ni Gilbert ang kabuuan ng asawa na bahagyang bumiling, tumuon ang tingin ni Gilbert sa malusog na dibdib ni Evita, aninag sa suot ng puting nighties ang kabuoan ng magandang hugis ng katawan nito...aninag ang walang saplot na bahagi ng pagkababae ni Evita. At muli isang malalim na buntong hininga ang pinawalan ni Gilbert.

    

 

 

  • Black Pinterest Icon
  • Black Facebook Icon
  • Black Instagram Icon